Love Story
First We Met
May 05, 2020
Minsan, hindi mo talaga alam kung saan magsisimula ang isang kwento ng pag-ibig. Hindi palaging sa mga romantikong tanawin o sa mga eksenang parang pelikula—minsan, nagsisimula ito sa isang ordinaryong araw lang sa opisina.
Doon nagsimula ang aming kwento.
Nagkakilala kami sa trabaho. Pareho kaming abala sa mga deadline, meetings, at walang katapusang responsibilidad. Sa simula, simpleng magka-opisina lang kami—nagkakasalubong sa hallway, nag-uusap tungkol sa mga ulat, at paminsan-minsan ay nagkakape or nagchochoco habang nagpapahinga sa gitna ng nakakapagod na araw.
Pero habang lumilipas ang panahon, unti-unti kong napansin ang kakaiba. Ang mga simpleng usapan namin, nagiging mas personal. Ang mga tawanan, mas tumatagal. At sa bawat pagkikita, parang gumagaan ang bigat ng araw.
Hanggang sa dumating ang sandaling hindi na lang kami basta magka-opisina, dahil nauwi sa pagiging magkaibigan, at sa puso ko - alam kong iyon na ang simula ng isang mas espesyal na kwento.
First date
May 20, 2023
Ito ang pinaka-masayang araw na hinding-hindi namin makakalimutan bilang mag-jowa—ang araw na para kaming mga bata o teenager na kumawala sa lahat ng seryosong bagay at nag-enjoy sa mga rides sa Star City, Manila. Sa bawat mangha sa nakikita sa loob ng carnival, sa bawat halakhak sa Ferris wheel at sa roller coaster at sa ibang rides kasama ang batang lalaki na nakilala lang namin sa loob, at sa bawat simpleng hawak ng kamay habang naglalakad sa loob ng parke, ramdam namin ang kalayaan at kasiyahan ng pagmamahalan.
Habang kumikislap ang mga ilaw ng carnival at umaalingawngaw ang musika ng saya sa paligid, para bang kami lang ang nasa mundo. Ang bawat ride ay naging simbolo ng bagong yugto ng aming relasyon.
In A Relationship
May 07, 2023
May isang bahagi ng kwento namin na hindi naging madali bago kami dumating sa araw na ito.
Tatlong beses inialay ni Gio ang kanyang pag-ibig kay Chen—at tatlong beses din siyang tinanggihan. Hindi dahil wala siyang respeto o malasakit, kundi dahil may mga panahon sa buhay na kailangang unahin ang ibang bagay.
Sa totoo lang, hindi iyon madali para kay Gio. Pero hindi rin siya sumuko.
Naniniwala kasi siya sa isang pilosopiya—“NO means NOT NOW.” Hindi ito pagtanggi magpakailanman; minsan, hindi pa lang iyon ang tamang panahon.
Muling sinubukan ni Gio na ligawan si Chen sa huling pagkakataon, at sinubok din siya ng dalaga nang mag-request ito ng CENOMAR.
Dumating na ang tamang panahon. Hindi man direktang sinabi ni Chen ang salitang “Oo,” nasabi niya ito sa ibang paraan—sa goodbye hug kay Gio, binitiwan niya ang mga salitang: “Ang hirap palang magkaroon ng matangkad na boyfriend.” Tumigil ang mundo ni Gio at pinaulit niya ito para makasigurado at masayang niyakap siya.
We're Engaged
Jul 20, 2025
Makaraan ang ilang taon bilang mag-JOWA, sa wakas ay aabot na rin bilang mag-ASAWA.
Hindi pa rin makapaniwala si Gio na nakamit niya ang taong pinapangarap niyang makasama habang buhay. Ganoon din si Chen, na madalas sabihin na si Gio ay isa sa kanyang mga answered prayer kay God.
Habang ipinapangako nila ang kanilang pag-ibig, pananampalataya, at kinabukasan sa isa’t isa—nagtitiwala sila sa perpektong timing ng Diyos na nagtagpo sa kanilang mga landas.
“Two are better than one, but with God as the center, a cord of three strands is not quickly broken.”
— Ecclesiastes 4:12
***GIO & CHEN — United in love, strengthened by God.***
#ThreefoldCordGIOxCHEN
#CHENadhanaParaKayGIO


